Alex POV "Muntik mo nang mapatay ang mga tao na yon Alex. Wala ka bang awa?!" Nasa harap na kami ng sasakyan niya. Nagpanting ang tenga ko, lokong toh mas nag-aalala sa mga m******s na yon."Awa?! Hindi kaba naawa sa akin na muntik na akong gahasain---" Natigilan ako dahil kaagad siyang nagsalita. "Alex tama lang na gumanti pero mukang papatayin mo na sila mabuti na lang at napigilan kita," sambit niyang may awtoridad. "Kinakampihan mo pa sila? Ganun ba Rence?! Dapat pala hindi mo na ako sinundan! Nakipag tsismisan ka nalang sana kay Cynthia!" Ilang segundo siyang hindi nagsalita at lalong sumeryoso ang kanyang pagkakatitig sa akin. "Umalis na si Cynthia. Siya ba ang kinaiinis mo? Alex nagseselos kaba?" Tinignan ko siya nang hindi kumukurap. Hindi ko na mapigilan ang sarili k