Alex POV "And let's hear another song from Ms. Alexa Lucia Carmine Lopez," sabi ng host. "May kakanta ulit?" tanong ko habang nakatitig sa stage. "Ano kaba Alex? Ikaw yung tinatawag ng host," sabat ni Carding. "Ha? Ano? Ako?!" natatarantang sabi ko. "Lucia ikaw na! Kaya mo yan!" nakangiting sabi ni Granny habang pumapalakpak. Si Pops naman ay nakatingin lang sa akin habang nakangiti. "Heheh Granny," sabi ko para akong maiiyak. Kanina lang kinikilig ako ngayon naman ay halos isaklob ko sa mukha ko yung platong nasa harap ko dahil sa kaba. "May I call Alexa Lucia Carmine Lopez?" tawag ulit ng host. "Lucia kaya mo yan!" sabi ni granny. Pati si Pops ay napahawak na sa baba niya. Nagpromise ako kay granny kanina kaya kahit kinakabahan ay tumayo nalang ako at