Alex POV Pagbaba namin ay dumiretso kami sa kusina may kalakihan ang bahay nila Rence at lahat ng gamit ay mamahalin. Pagdating namin sa kusina ay nandoon na ang parents niya naghihintay sa amin may mga katulong na nakatayo sa gilid. Gentleman talaga si Rence dahil pinaupo muna niya ako bago siya umupo sa upuang nasa tabi ko. Ang parents naman niya ay nasa harap namin. Naiilang ako ng mga oras na iyon, kahit nung kumakain na kamI pakiramdam ko kinikilatis ako ng parents niya. Hindi ko magawang magsalita dahil kinakabahan na din ako. "Rence bakit may pasa itong si Alex?" tanong ng daddy niya. "May gulo kasi sa condo unit ni Annie kanina, medyo napaayaw siya, pero dad okay na, dont worry," sagot ni Rence. Tumango lang ang daddy niya. Halata din kay Rence na wala siyang balak