Rence POV Pagkatapos naming ihatid si Annie at adam sa hospital ay hinatak ko na agad si alex. Kung wala pangmangyayareng gulo ay hindi pa niya ako tatawagan. Nakaabang na sa amin ang bodyguard ko at si tonio sa di kalayuan. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" malakas na sabi niya habang nagpupumiglas. Nakasunod siya sa akin. Hindi ko siya pinansin sa halip ay hinawakan ko siya nang mahigpit hanggang sa makarating sa sasakyan na dala ni Tonio. "Get in!" madiing sabi ko. Nasa harap na kame ng sasakyan. "Ayaw! No! No!" Inirapan niya ako. Matigas talaga ang ulo ng babaeng ito. Ayaw kong magpatalo sa kanya lalo na ngayon na nakikita ko ang pasa malapit sa labi niya. May dugong tumutulo. Pinahid niya lang iyon ng kamay niya. Nagsalubong na ang kilay ko. Binuksan ko ang pinto at hinatak si