Chapter Thirty-five "Kaya tayo naging member ng grupong ito ay dahil sa malaking accomplishment natin sa pamilya ni Clibus Santilian. Maging thankful na lang tayo kay Boss Sigfrid dahil hangang ngayon ay tinutulungan n'ya pa rin tayo." Tahimik kaming nagmamasid sa mga ito. Hindi man lang napansin na ngayon ay nakapasok na kami at tahimik na pinanonood sila. "Kaya dapat higpitan pa natin ang pagbabantay sa kanila. Protektahan natin ang pamilya Monteleban." Hiyaw naman ng isa. "Tamaaaa!" nag-ingay ang mga ito. "Pero naisip n'yo ba na inuunti-unti na sila? Paano kung katulad ng isa sa kasamahan natin ay magaya rin tayo sa ginawa ng kalaban ni Boss Sigfrid?" "Walang duwag sa grupong ito. Mas marami tayo, mas makapangyarihan tayo." Muling nag-ingay ang mga ito na waring nagdiriwang. "K