Chapter Thirty-six "Bakit ganyan ka makatingin? May problema ka ba sa amin ni Nicholas?" sita ko kay Cristo na mabilis na nag-iwas nang tingin. Pare-pareho kaming nakatambay sa sala ng bahay ko at nanonood ng TV nang sitahin ko ito. "Kailangan ba palagi kayong magkalingkis?" irritable nitong tanong. Sinulyapan ko si Nicholas na nakangisi kay Cristo. "Oo naman," saad ko rito."Saka hondi boyfriend ko naman s'ya." "Ang sakit n'yo sa mata." Inirapan kami nito at humiga na lang sa couch at tinakpan ng pillow ang mukha. Nagkatinginan kami ni Nicholas. Daig pa ang nireregla ng taong ito, eh. "Tao po," tinig mula sa labas na pamilyar sa akin. Nagkatinginan kami ni Nicholas. Si Cristo ay biglang napabalikwas. "Paul Monteleban." Bigkas ni Cristo na bahagyang hinawi ang kurtina para masi