Chapter Forty-five Planado na ang lahat. Kukunin muna ni Nicholas ang nanay n'ya saka kami kikilos ni Cristo. Sa plano nila, waring wala naman akong pwesto. Hindi ako nakikipagpagalingan. Pero hindi ako sang-ayon sa gusto nilang mangyari. Kaya naman ito ako ngayon, hinihintay na lumabas si Senior Sigfrid Monteleban sa kanyang mansion. Nang makita kong lumabas na ng gate ang sasakyan nito ay mabilis akong tumayo at bahagyang kumaway. Agad na huminto sa tabi ko ang sasakyan nito. Bumukas ang bintana, ang ngiting-ngiti ang matanda nang isungaw nito ang ulo. Walang CCTV, nakausap ko na si Tori. Sumang-ayon ito sa planong ginawa ko. "Anong ginagawa mo rito, hija?" "Hindi ko po kasi ma-contact si Nicholas. Hindi naman po ako pinapasok sa gate ninyo." "Ganoon ba? Sumakay ka muna.