Chapter Forty-four Tulog na silang dalawa kaya may oras akong lumabas nang hindi nangangamba na baka makasunod sila. Suot ko ang mask na nagkubli sa tunay na mukha ko. Gamit ang motor na tinungo ko ang mansion ng mga Monteleban. Dapat matagal ko na itong tinapos. Wala na akong pakialam kung sa paanong paraan ko s'ya papatayin, ang gusto ko na lang ay mamatay na s'ya. Akmang patatakbuhin ko na ang motor ko nang mabilis na yumakap si Nicholas. Kahit hindi ko lingunin ay alam kong si Nicholas iyon. Pamilyar na pamilyar sa akin ang prisensya nito. Pati na ang amoy nito. Kaya naman hindi ko na kailangan pang lingunin ito. "Not now…hindi tamang action na basta ka na lang pumunta roon. Pasok na tayo sa loob, Tatiana." Nasa tinig nito ang pakiusap. Matalas din talaga ang pakiramdam ng is