Chapter Forty-one "Hangang kailan mo s'ya susundan?" tanong ni Nicholas sa akin. Hindi ko ito kasama, kausap ko lang ito sa phone. 2 days na rin simula nang huli kaming magkita. Inaasikaso kasi ang lamay ng ama. Sa huling gabi ng lamay, kukunin ko ang urn ni Paul Monteleban. Saka ko isasaboy sa imburnal, well, sa dami nang naiisip kong gawin ay mas lalo akong nae-excite. "Hindi ko alam. Gusto ko lang munang mag-obserba." Nakasampa ako sa bakod kung saan pinanonood ko si Cristo na nasa loob ng bakangteng bahay at china-chop ang biktima nito. Halatang sanay na sanay itong gawin iyon. Bakit naging ganito ito? It's really weird. "Tatawagan ko si Tori, bye." Alam ko namang gusto pa ako nitong makausap pero mas marami pa akong dapat gawin. Tinap ko lang ang device na nasa tenga ko.