Chapter Forty-two Hinawakan ng duguang kamay nito ang kamay kong may hawak na baril. Saka nito ako dinis-armahan. Kung narito lang si Lady A, baka nasigawan na n'ya ako. Hinayaan kong maibaba ang gwardya ko sa sarili ko. Biglang huminto ang utak ko sa pag-iisip ng dapat na gawin. "Usap tayo later." Binuhat ako nito at pinaupo sa upuang bakal. Saka ito nagpatuloy sa ginagawa nito. Hindi pa rin ako nakabawi sa labis na shock. Naluluha man ay pinilit kong titigang mabuti si Cristo. "Baka naman hindi mo na ako naaalala, baka nag-asume lang ako rito, ha?" pabirong ani nito. "K-uya Train?" ngumisi ito at nagkibitbalikat. Si Kuya Train na tanging hindi kasama ng araw na lusubin ang bahay namin. How come na buhay ito? Sinabi ni Lady A...natutop ko ang bibig sa labis na gulat sa realizat