PRINCESS "Uulitin ko yung tanong ko. Isa ba sa inyo yung ipapakilala sa akin na manliligaw ng prinsesa ko?" dumadagungdong yung boses ni Amang dito sa buong bahay. Jusko. Papa'no ba naman kasi, nung unang beses na tinanong nya, wala ni isa man sa amin yung sumagot sa kanya. Eh papa'no ba naman kasi namin sya sasagutin diba? Eh eto nga kami, namumutla habang nagpapalipat-lipat yung tingin sa isa't-isa. Shet naman kasi talaga, ang wrong timing ng pagpunta nila dito. Napansin ko na palihim na nagtinginan sila Joel at Andy at nagulat ako nang pareho silang tumaas ng kamay. What the hell?! Seryoso ba silang dalawa? Agad bumaling yung tingin ko kay Maine. Nakita kong na hawak-hawak ni Marlo yung kamay nya na para bang pinipigilan sya sa kung anong plano nyang gawin. Agad namang nilapitan n

