Chapter 36

2164 Words

PRINCESS "What the f*ck! Seryoso ka dyan Phoebe?! As in baba---" inis na tinakpan ko yung bibig ni Patricia dahil baka marinig kami ng mga tao sa labas. Bwisit na 'to, gusto pa ata akong ibuking sa mga magulang ko. Ikinwento ko na kasi sa kanya lahat-lahat ng tungkol sa amin ni Maine. Kaya ayan, ang bruha, hindi makapaniwala. Hindi lang talaga sya makapagkomento habang nagkkwento ako kanina kasi sabi ko, oras na magcomment sya, hindi ko na itutuloy yung kwento. Kaya yan, ngayon nagreact. At ang oa pa ng reaction. Tsk. "Sige ilakas mo pa! Megaphone gusto mo?" inis pero pabulong na sabi ko sa kanya. Nagpeace sign naman sya sa akin. "Sorry na. Sorry na talaga. Hindi lang kasi ako makapaniwala, insan. Seryoso? Babae? As in babae yung mahal mo?" mahinang tanong na nya. Yan, ganyan dapat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD