PRINCESS "Phoebe!" agad naman akong napalingon nung narinig ko yung boses na yon. Napangiti ako nang makita kong naglalakad sya papalapit sa akin para salubungin ako. "Patring!" masayang sabi ko naman sabay lakad din palapit sa kanya. Grabe, namiss ko sya. Sobrang namiss ko yung pinsan ko na 'to. Agad ko syang niyakap nang makalapit ako sa kanya. "Grabe namiss kita insan, sobra!" nakangiting sabi ko pa sa kanya pagkatapos naming maghiwalay. "Namiss na rin sana kita kaso nastress ako dun sa itinawag mo sa akin. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na Trish or Trisha na lang yung itawag mo sa'kin. Ang bantot nung Patring no!" natatawang sabi naman nya. "Hello. Eh sa yun naman talaga yung tawag ko sa'yo noon no!" "Noon yon. Iba na ngayon. Trisha na. Ugh!" sabay paikot pa ng mata nya.

