PRINCESS "O hindi ka pa rin tapos ngumawa dyan? Gusto mong makamove on? Tara mcdo!" narinig kong sabi ni Marlo na nakapasok na pala sa kwarto ko. Pagkatapos kasi nung eksenang ginawa namin dun sa opisina ni Joel, tinawagan ko agad si Marlo at kinwento sa kanya lahat-lahat. Halos hindi ko pa nga matapos-tapos yung pagkkwento kanina dahil naiiyak ako ng bongga habang iniisa-isa ko sa kanya yung mga narinig ko kanina. Ang sakit pala talaga kapag nalaman mo na pinaglaruan ka lang at niloko ng mga taong mahalaga sa'yo. Grabe lang ha, napaniwala talaga ako nila dun sa JAM-JAM na yon. Inames kasi eh. Una pa lang, inisip ko na talaga na si Maine yon eh. Kaso lang nawala yung pagdududa ko nung time na kasama ko si Maine pero tumatawag sa akin yung number ni JAM. O eh malamang Princess, si Andy

