MAINE "And anong ginagawa mo dito Michelle?" takang tanong ko sa kanila pagpasok na pagpasok ko sa office ni Joel. I thought meeting 'to para sa program. Eh bakit nandito 'tong babaeng 'to? "Hey, I'm also here, couzzo!" mas lalo namang kumunot yung noo ko nung narinig ko yung boses na yon. Seriously, ano'ng ginagawa nya dito? "A-ate Faye? Bakit ka din nandito?" Tanong ko pa sa kanya. Bakit nandito sila lahat? Ano 'to, meeting de avance? The hell? "Well, I was here because I was asked by my wife to talk to this young man about some business." sabay turo nito kay Joel. And yeah, si Ate Faye, she's one of us. 2 years na rin yata silang kasal ni Ate Nikki. Medyo naging masalimuot yung loves story nila pero sa huli, wala ring nagawa yung parents ng pinsan ko kundi payagan sya na sumaya k

