PRINCESS "Eh bakit po ba nya ako pinapaasa? Bakit po nya sinabi sa akin na mahal nya ako pero hindi naman po pala nya ako kayang panindigan? Tapos bigla na lang po syang nawala na parang bula. Ni hindi man lang po nya nagawang magpaalam sa akin. Nilandi nya ako pero umiwas din sya. Ang sakit lang po DJ Tasya. Sana po hindi ko na lang sya nakilala!" naiiyak na kwento nung caller namin ngayon ni Marlo sa The Love Guru. Hay, kahit siguro ako. Kung ako yung nasa sitwasyon nya, masasaktan din ako. Mahirap kasi talaga yung malaman mo na hindi ka pala kayang panindigan ng taong mahal mo. Na mas iisipin pa nya yung pwedeng maramdaman ng ibang tao kesa sa nararamdaman mo. "Well, masakit naman talaga yung ginawa sa'yo nyang lalaking yan. Sino nga ba naman yung gustong mapaasa diba? Yung akala mo

