Chapter 5
Hindi pa man nakakalayo si Kyla mula sa paglabas sa kotse ni Clyde ay agad siya nitong sinundan at hinawakan ang kanyang siko.
Napakunot nuo siya at biglang nag-alala para sa binata. Nababaliw na ba ito! Bakit ito lumabas ng kotse nito na wala man lang suot na sunglases at face mask!
"Kuting sorry na bumalik kana sa kotse" Nakasimangot ang gwapong mukha nito ng tingalain niya ito. Marahil ay naiinis rin ito sakanya dahil sa kanyang mga nasabi.
Sinigaw lang naman niya sa harap nito kanina na ayaw na niyang magpahalik dito
"Nababaliw kana ba? Bakit mo ko sinundan?! Baka may makakita pa sayo na paparazi--"
"Yeah. Kaya nga tara na sa kotse. Please?" May pagsusumamo na ang tono ng boses nito
Napapalingon lingon rin ito sa paligid dahil baka may mga taong makakita rito. Mabuti nalang at mabibilis ang sasakyan sa high way
"Bumalik kana doon sa kotse mo. Hindi na ako sasama sa susunod na shoot mo, naroon naman sa likod ng kotse mo lahat ng gagamitin mo--"
"Please kuting?" May halo ng lambing ang pananalita nito habang nakatingin ito sakanya
Alam niyang nag-aalala rin ito na makita ito ng ibang tao at maging issue pa ang pangyayaring ito. Ngunit parang hindi yata ito papayag kung mag-aaway sila sa gitna ng high way
"Hays! Ang kulit mo naman eh. Bumalik kana doon baka may makakita pang fans mo!"
"Hindi ka naman makakapag-taxi dito dahil high way to. Kaya sige na sumakay kana sa kotse hindi na kita aawayin"
Para itong maamong tupa kung makisuyo ito sakanya ngayon. Lalo lang itong gumagwapo sa paningin niya kapag dinadaan siya nito sa puppy eyes nito.
Grrrr!
"Oo na! Bilisan na nga natin baka may makakita pa sayo eh!"
Patakbo silang bumalik sa kotse nito. Naiinis nga siya dahil habang tumatakbo sila ay nakahawak parin ito sa siko niya. Kinakabahan tuloy siya dahil baka may makakita pa sa ginagawa nito.
Nang makasakay sila sa loob ng kotse nito ay tahimik na itong nagmaneho
Seryoso lamang ang mukha ni Clyde habang nagmamaneho na ito. Samantalang mas pinili naman niyang tumahimik nalang rin
"Are you hungry?" mayamaya tanong nito sakanya.
Ginamitan nanaman siya nito ng tono ng paglalambing. Alam siguro nitong kahinaan niya ang paglalambing nito.
Dati iyon! Hindi na ngayon!
Oh? Really Kyla? Tanong namang ng isang bahagi ng puso niya. Dahil ang totoo ay nanlalambot parin ang tuhod niya sa tuwing lalambingin siya nito. Para bang gusto nalang rin niyang lambingin ito. Yung tipong maglalambingan sila buong magdamag-Chos!
"Hindi ako nagugutom" Tipid na sagot niya at sa bintana nalang siya tumingin
Papunta kasi sila ngayon sa tagaytay. Doon ang susunod na photoshoot nito. Kasama ang ka-love team s***h girlfriend nitong si Riva
Nagtataka tuloy siya ng maalala niya si Riva. Bakit kaya hindi sabay na pumunta sa tagaytay ang mga ito? Pero siyempre ayaw naman niyang magtanong kay Clyde dahil baka mahalata pa nitong interesado siya sa relasyon ng dalawa
Napasinghap siya ng hawakan ni Clyde ang isang kamay niya na nakapatong sakanyang hita
Mainit ang mga palad nito na para bang dumaloy rin ang init sa kanyang kamay papasok sa buong katawan niya
Sa simpleng paghawak nito sa kanyang kamay ay nag-iinit na agad ang mga pisngi niya
Kunot nuo niya itong tinignan. Patay malisya lang itong nagmamaneho ng tahimik habang nakikipag-holding hands ito sakanya.
Pasimple niyang binawi ang kanyang kamay ngunit nakaramdam ito kaya naman mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa kamay niya
"Clyde yung kamay ko." kunwaring naiinis niyang reklamo sa binata
Tinignan siya nito dahil sa pagrereklamo niya. Nagtataka siguro ito sa mga kinikilos niya. Hindi na kasi siya nagpapahalik at hindi na rin siya magpapahawak ng kamay sa lalakeng ito
Napakunot ng kaunti ang nuo nito. Imbis na bitawan ang kamay niya ay pinagsalikop pa talaga nito ang bawat daliri niya sa pagitan ng mga daliri nito
Muli tuloy siyang nakaramdam ng kakaibang kiliti dahil sa ginawa nito. Wala tuloy siyang nagawa kundi hayaan nalang itong hawakan ang kamay niya. Tutal naman gustong gusto niya rin iyon. Ang sarap kaya! Ang init ng palad nito kaya't masarap iyon sa pakiramdam. Lalo na't papisil pisil pa ito paminsan minsan.
Nakakakiliti.
Nagpapatay malisya nalang siya habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse
"Don't torture me kuting. Sorry na" Hingi nito ng sorry sakanya mayamaya. Napasinghap siya ng halikan ni Clyde ang likod ng kanyang kamay
Kung mainit ang palad nito ay mas mainit ang mga labi nito.
Haay! Nung umulan siguro ng tukso sinalo lahat ng lalakeng ito. Nakakatukso naman kasi ang mga paglalambing nito sakanya. Nagiging marupok tuloy siya madalas.
"H-Hindi naman ako galit. Ayoko lang talaga na naghahalikan pa tayo" Deretsang sabi niya
Hindi ito kumibo at saglit lang itong tumingin sakanya. Napakunot ng kaunti ang nuo nito ngunit mas pinili nalang nitong huwag magsalita.
Hangang sa makarating sila sa tagaytay kung saan gaganapin ang photoshoot nito para sa isang brand ng sabon ay hawak parin nito ang kamay niya.
Nagtataka siya dahil tahimik lang itong nakatingin sakanya at parang walang planong bumaba ng kotse nito.
"B-Bumaba na tayo? Bitawan mo na ang kamay ko" Akmang babawiin niya ang kamay niya ng higpitan pa lalo nito ang paghawak sa kamay niya
"Clyde ano ba? Nariyan na ang mga photographer baka magtaka sila kung bakit ang tagal natin bumaba ng kotse mo--"
"Bakit ba ayaw mo ng makipaghalikan sakin?" Seryosong tanong nito sakanya na para bang ang laki laki ng problema nito
Namula tuloy ang kanyang mga pisngi. Namomoblema ba ito dahil hindi na siya makikipaghalikan pang muli?
Bakit?
Dahil ba gustong gusto nitong kahalikan siya? Haaays! Paasa nanaman!
Sasagot sana siya ng may biglang kumatok sa bintana ng kotse ni Clyde.
Walang iba kundi ang girlfriend nito. Para tuloy siyang binuhusan ng malamig na tubig at pinagsasampal ng katotohanan.
"Clyde? Darling?" Katok ni Riva sa bintana ng kotse ni Clyde
Napabuntong hininga si Clyde at napilitan itong bitawan ang kamay niya.
Hindi niya napigilan ang pagkirot ng kanyang puso dahil sa ginawa nito.
Binuksan ni Clyde ang pintuan ng kotse nito at nauna na itong bumaba sakanya. Narinig niyang nagtanong si Riva kay Clyde kung bakit ang tagal raw nilang lumabas ng kotse nito. Ngunit hindi na niya narinig ang isinagot ni Clyde. Nakita niyang umabistre agad ang dalaga sa braso nito kaya nag-iwas agad siya ng tingin sa mga ito.
Nang bumaba siya ng kotse ni Clyde ay nakasimangot tuloy siya. Kinuha niya nalang ang mga gagamitin ni Clyde sa likod ng kotse nito. Mga damit iyon na pinlansta niya pa kanina.
"Bakit late kayo ng thirty minutes? Saan pa ba kayo nanggaling ni Clyde ha?" Galit na tanong ni Mrs.Chua sakanya ng makasalubong niya ito. Halos pabulong lang iyon dahil baka may makarinig pang iba
"N-Nasiraan lang po yung kotse niya." Palusot niya kay manager chua. Ewan ba niya pero parang palaging naiirita sakanya ang manager ni Clyde. Pero kay Riva naman ay aliw na aliw ito.
"Akala ko naglandian nanaman kayo. Sinasabi ko sayo Kyla huwag kang gagawa ng kahit anong makakasira sa alaga ko. Maliwanag?"
Napalunok siya. Kung pagalitan siya nito ay para bang isa siyang batang paslit. Siyempre naman hindi niya ipapahamak ang lalakeng iyon no!
"O-Opo maliwanag pa sa sikat ng araw Mrs.chua" sarkastiko niyang tugon na kinainis nito.