Chapter 6
"Mga anong oras ka ba riyan matatapos gurl?" Tanong ni Dina sakanya sa kabilang linya habang kausap niya ito sa kanyang cellphone
Kasalukuyan nagaganap ang photoshoot ni Clyde at Riva sa di kalayuan mula sa kinatatayuan niya. Lumayo lamang siya ng kaunti sa mga staff ng production nang makatangap siya ng tawag mula kay Dina.
Mag-aalas kwatro na kasi ng hapon at naroon parin sila sa tagaytay. Wala kasi sa mood mag-palitrato si Clyde kaya paulit ulit tuloy ang pagkuha ng magandang picture sa mga ito. Wala raw kasing kislap ang mga mata ni Clyde sa araw na iyon at parang pilit lamang ang mga ngiti nito
Masyado pa namang perfectionist ang photographer dahil ayaw raw nitong maging palpak ang trabaho nito.
Hindi lamang photoshoot ang ginagawa ng dalawa kundi isa ring commercial scene ng isang brand ng mamahaling sabon.
"Hindi ko nga alam eh. Gusto ko na ngang tumakas nalang. Nahihiya na kasi ako sa kuya Axelle mo kung hindi ko nanaman siya mapagbibigyan sa dinner date namin ngayon" Napapabuntong hininga niyang sagot kay Dina. Nag-aalala kasi siya na baka hindi siya umabot sa nakatakdang oras ng pagkikita nila ni Axelle
"Eh paano pa kita matutulungan mag-makeover niyan kung nariyan ka pa?"
Muli siyang napabuntong hininga
"Tatakas nalang ako. Magdadahilan nalang siguro ako."
"Osige gurl mabuti pa nga. Mag-Fx ka nalang pauwi ng manila."
"Oo alam ko naman kung saan ako sasakay eh. Kahit anong itsura ko naman siguro ay ayos lang iyon kay Axelle diba?"
"Oo naman. Dead na dead sayo ang kuya ko eh. Tawagan mo kaya siya? Malay mo sunduin ka niya--"
"Huwag na nakakahiya naman sa kuya mo. Mas mabuti na sa restaurant kami magkita"
"Fine whatever. Bye gurl. Balitaan mo nalang ako sa first date niyo ng kuya ko ha?" Paalam nito
"Oo sige bye." Paalam niya
Pagkababa palang niya ng kanyang cellphone ay agad na iyon nag-ring. Nagulat pa siya ng mabasa niya ang pangalan ni Clyde sa screen ng kanyang cellphone
Napatingin tuloy agad siya sa gawi kung nasaan naroon si Clyde. Nakita niya itong nakatingin sakanya habang nakakunot ang nuo nito.
Para tuloy siyang kinilabutan sa paraan ng pag-tingin ni Clyde sakanya.
"I need water" Masungit nitong bungad sakanya
Jusmiyo. Gusto lang pala nito ng tubig! Kung makatingin kasi ito sakanya ay para bang naiinis ito.
"Osige saglit lang."
"Bakit ka pa kasi lumayo ng husto? Sino ba yung kausap mo?"
Sunod sunod siyang napalunok.
Mukhang malakas ang pakiramdam ng gwapong lalakeng ito ah? Nararamdaman ba nitong may love-life na siya?
"M-Maingay kasi diyan eh. Hindi ko marinig yung sinasabi ni Dina kaya lumayo ako"
Naiinis rin siya sa kanyang sarili dahil nagpapaliwanag pa talaga siya! Bakit ba siya nagpapaliwanag kay Clyde? Ano naman bang paki-alam nito kung sino ang kausap niya?
"C'mmon i need you here" Seryosong sabi nito bago siya nito binabaan ng phone
Mukhang may toyo talaga ang bestfriend niya. Hindi naman ito dating ganito. Hindi nga siya inuutusan nito noon. Kapag nauuhaw ito ay ito na mismo ang kumukuha ng sariling tubig nito.
Ano kayang pinagpuputok ng butse ng isang iyon? Tungkol parin kaya sa sinabi niyang bawal na siyang halikan nito?
Huminga muna siya ng malalim bago siya bumalik sa kinaroroonan ng mga ito.
Tahimik siyang kumuha ng isang bottled watter at iniabot iyon kay Clyde.
Walang emosyon ang gwapong mukha nito habang nakatingin ito sakanya. Tinangap nito ang bote ng tubig at inisang inom lang nito iyon.
Katabi nito si Mrs.Chua. Mukhang may pinag-uusapan ang mga ito.
"Clyde you have do it. Para matapos na ang shoot natin--"
"Bakit kailangan pa kasi ng ganoon?" Nakakunot nuong tanong ni Clyde sa manager nito. Halatang may toyo ngayon ang binata.
Ang tagal na nilang magkaibigan, ngayon niya palang nakitang nagkaganoon si Clyde. Para bang naiinis ito na hindi mawari.
"Dahil mas nakakakilig? Ano bang masama kung maghalikan kayo ni Riva? Bakit ba ayaw mo nanaman? Parang hindi ka pa ba sanay? Eh halos lahat naman ng movie niyo naghahalikan kayo?" Halos pabulong lamang na pagalit ni Mrs.Chua kay Clyde
Ngunit sadyang malakas ang pandinig ni Kyla kaya nagpantig ang tenga niya ng marinig niya ang mga sinabi ni manager chua.
Tama ba ang pagkakarinig niya? Ayaw nitong makipaghalikan kay Riva? Bakit naman? Eh hindi ba't magkasintahan naman ang dalawa?
Isang malalim na butong hininga ang tinugon ni Clyde.
"Lagi nalang kitang sinusunod. Nakakainis at nakakapagod na rin eh" Reklamo pa ng kaibigan niya sa manager nito
"Wala tayong magagawa, iyon ang hiling ng mga fans niyo kaya sundin nalang natin" medyo nang-gigigil na ang tono ng pananalita ni mrs.chua. Napapahawak pa ito sa sariling nuo.
Muling napabuntong hininga si Clyde. Sumulyap ito ng saglit sakanya ng mapansin nitong pasimple siyang nakikinig
"Fine. I'll do it.."
"Papayag ka rin pala pinatagal mo pa." Tila nabuhayan naman ng dugo si mrs.chua sa pagpayag ni Clyde. Tumayo na ito upang kausapin ang photographer
Naiwan tuloy silang dalawa roon ni Clyde. Hinanap ng kanyang mga mata si Riva. Kasalukuyan itong nakaupo sa harap ng makeup artist nito habang nireretouch ang makeup nito
"Sino ba yung palagi mong kausap kuting? Pansin ko palaging busy ang phone mo kapag tinatawagan kita lalo na sa gabi"
Napalingon siya kay Clyde dahil sa mga sinabi nito. Mukhang hindi na ito nakatiis tanungin siya kahit pa may mga staff sa gilid nila
Tinatawagan ba siya nito sa gabi? Nako po! Panigurado nga makakahalata ito na may palagi siyang kinakausap sa gabi.
Palagi niya kasing kausap si Axelle at kung ano ano lamang ang napagkukwentuhan nila ng kanyang nobyo.
"M-Mga kaibigan ko lang ang kausap ko--"
"Bukod sakin at kay Dina alam kong wala kanang ibang kaibigan. Sinong mga kaibigan ba ang tinutukoy mo?" naghihinala nitong tanong sakanya na may halong pagtatampo
"Nagkakataon lang siguro na tumatawag ka sakin kapag may iba akong kausap" Mahina lamang ang pag-uusap nila dahil baka marinig pa sila ng ibang staff na pasimpleng nakikinig na sakanila
"May nililihim ka ba sakin?" May halong lungkot na tanong ni Clyde sakanya. Bahagya pa nitong hinagod ang buhok nito.
Muntik na siyang masamid sa sariling laway niya dahil nakonsenya siya sa itinanong nito
"W-Wala? Ano namang ililihim ko sayo?" Peke pa siyang tumawa upang pagtakpan lamang ang nerbyos na nararamdaman niya
"Clyde start na raw po tayo" Putol ng isang staff sa pag-uusap nila
Nang tumayo si Clyde ay sumunod na agad ito sa staff at doon palang siya tila nakahinga ng maluwang.
Napahawak siya sa kanyang dibdib. Ang bilis ng t***k ng kanyang puso. Bakit pakiramdam niya ay nagtataksil siya kay Clyde? Ano ba naman tong nararamdaman niya! Epekto ba ito ng ilang taon nilang paglalandian? Epekto ba ito ng ilang taon niya pag-assume na may special na relasyon silang dalawa?
Napabuntong hininga siya.
Napatingin siya kay Clyde at Riva ng mapatili ang mga staff sa paligid niya. Parang nay kumurot sa puso niya ng makita niya kung ano ang eksena ng dalawa habang pini-picturan ang mga ito ng photographer
Nagsisi tuloy siya kung bakit pa siya tumingin sa mga ito.
"Wooo! Grabe nakakakilig talaga sila!"Impit na tili ng isang staff. Mukhang avid fan ito ng loveteam nila Clyde at Riva
Halos lahat ng tao doon ay nakangiti bukod tangi lamang sakanya.
Parang binibiyak kasi ang puso niya. Ngayon lamang kasi niya nakita sa personal ang paghahalikan ng dalawang artista.
Noon kasi sa movie lang niya nakikita ang mga ganoong eksena. Napapapikit pa nga siya minsan dahil ayaw niyang makita ang paghahalikan ng mga ito.
Ngunit ngayon, sa harap mismo niya ay magkahalikan ang mga ito
Parang sinampal siya ng katotohanan na ang dalawang ito ang nababagay. Lalo na't kakaiba ang kilig at saya na pinararamdam ng mga ito sa mga tao sa paligid
Unti-unting nanlalabo ang kanyang mga mata habang nakatingin sa mga ito. Nanunubig na pala ang mga iyon kaya mabilis niyang pinahid ang kanyang mga luha. Tumalikod rin siya sa ganap dahil torture iyon sa kanyang puso
Ang sakit sakit palang makitang may kahalikang ibang babae si Clyde sa mismong harap niya.
Napansin naman ni Mrs.Chua ang sakit na bumalatay sa kanyang mukha. Napa-iling nalang ito.
Nagmadali nalang siyang lumayo sa lugar na iyon bago pa man matapos ang eksena.
Hindi na kasi niya mapigilan ang masaganang luha na dumadaloy mula sa kanyang mga mata. Mabuti nalang at si Mrs.Chua lang ang nakapansin sakanya dahil tutok na tutok ang atensyon ng lahat sa paghahalikan nila Clyde at Riva
Kinuha niya agad ang kanyang bag at nagmamadaling umalis doon.
Mabuti nalang at may paparating na tricycle kaya pinara niya agad iyon.
"Manong sa sakayan ho ng fx" Napapahikbing sambit niya sa driver ng tricycle
Nahalata agad nitong umiiyak siya ngunit hindi na ito nagtanong pa. Pinaandar na agad nito ang tricycle pagkasakay niya sa loob niyon
Habang nasa tricycle siya ay walang humpay sa pagkirot ang puso niya.
Tila ngayon palang nag sink in sakanya na walang special na namagitan sakanila ni Clyde dahil malinaw niyang nakita sa kanyang harapan kung paano nito halikan si Riva
Sino ba naman hindi magkakagusto kay Riva? Napakaganda nito at mala-anghel pa ang mukha. Kaya nga napakaraming taong nagmamahal kay Riva at wala nga halos itong bashers.
Never niya pang nakitang pinagtawanan si Riva sa social media sites hindi katulad ng ibang artistang babae na ginagawaan ng nakakatawang memes at pinagtatawanan
Sobrang respeto ang ibinibigay ng mga fans kay Riva at Clyde mula pa noon.
Napahagulgol siya
Napakasakit mahalin ng isang Clyde Rafael Mendez. Nagsisisi na tuloy siya kung bakit niya pa pinilit mag-artista noon si Clyde. Noon kasi ay siya lang talaga ang babae sa buhay nito.
"Miss narito na tayo. Ayos ka lang ba ineng?" Nag-aalalang tanong ng tricycle driver sakanya
Hindi niya napansin na naroon na pala sila sa sakayan ng fx pauwi ng manila
"A-Ayos lang po ako manong. Maraming salamat po" Dumukot siya ng five hundred pesos mula sa bulsa ng kanyang pantalon
Napakamot naman sa ulo ang driver ng mapatingin ito sa pera niya
"Nako ineng wala akong panukli riyan--"
"Sainyo na po yan tay. Salamat po" Hindi na niya hinintay ang isasagot ng matandang driver dahil nagmadali na siyang lumabas ng tricycle nito
"Salamat ineng! Pag-palain ka ng diyos! Kung ano man ang problema mo malaglasan mo sana!"
Narinig niyang sigaw ni manong nang di pa siya nakakalayo masyado kaya napalingon siya sa matanda. Lalo lamang siyang naiyak dahil sa sinabi nito.
Wala siyang kinagisnan na ama kaya naman iba ang epekto sakanya ng isang simpleng pagpapalakas ng loob galing sa isang matandang lalake.
"Salamat ho" Tipid siyang ngumiti sa matanda
Pinahid muna niya ng kanyang puting panyo ang kanyang mga luha. Dahil sasakayan na siya sa loob ng fx. Nahihiya naman siyang mag emote sa loob ng pang-publikong sasakyan
Kakaupo palang niya sa loob ng fx ng biglang mag ring ang kanyang phone
Nanikip agad ang kanyang dibdib ng makitang si Clyde ang tumatawag sakanya
Hindi na sana niya sasagutin iyon ngunit may sariling buhay yata ang kamay niya kayat napindot niya ang answer button
"Kuting where are you? Umuwi ka na raw?" sunod sunod na tanong ni Clyde pagkasagot niya sa tawag nito
Hindi niya nakayanan sumagot. Dahil mapapahikbi nanaman siya.
Minabuti nalang niyang i-end ang call upang hindi nito marinig ang paghikbi niya
Napapatingin tuloy sakanya ang katabi niyang babae sa loob ng fx
Muli nanamang tumawag si Clyde.
Tinitigan lamang niya ang screen ng kanyang cellphone habang tahimik siyang umiiyak
"Miss kung di mo sasagutin yang tumatawag sayo pwede ba paki-patay nalang yang cellphone mo?" Malditang sambit sakanya ng kanyang katabing babae
"P-Pasensya na po"
Hindi niya pinatay ang cellphone niya, bagkus ay hininaan lamang niya ang volume nito at nilagay niya sa silent mode ang cellphone bago niya iyon inilagay sa loob ng kanyang bag
Ayaw niya kasing isipin ni Clyde na pinatayan niya ito ng phone
Nang makarating siya sa manila ay agad siyang dumiretso sa salon kung saan sila magkikita ni Dina
Dinukot niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag. Nais niyang tawagan si Dina.
Napanganga pa si Kyla ng makita niya kung gaano karaming missed calls ni Clyde sakanya sa loob lamang ng isat-kalahating oras?
307 missed calls?!
Halos malowbat tuloy ang battery ng cellphone niya! Kinabahan tuloy siya dahil baka may importante itong ipapagawa sakanya