Chapter 19 "This is my girlfriend Kyla. She will be my personal assistant from now on kaya isinama ko siya" Sambit ni Axelle kay manager fortez. Isa ito sa mga ginagalang na manager ng mga sikat na artista. Ito ang manager ni Riva Sanches. Kararating lamang nilang dalawa ni Axelle sa isang pribadong kwarto kung saan magaganap ang script reading ng mga napiling artista para sa upcoming movie nila Clyde at Riva. Walang gana na ngumiti ang manager ni Riva sakanilang dalawa. Ngunit plastik itong nakipagbeso beso sakanya. "It's good to see you again Kyla. And yeah ofcourse you can join our meeting.." Nakangiting sabi naman ni Riva sakanya habang nakikipagbeso beso rin ito sakanya. Tipid lang siyang ngumiti kay Riva. Mabuti nalang at hinila na ito ng manager nito Naroon na sa loob ng priva