Chapter 20 Umiwas si Kyla sa halik na nais gawin sakanyang pisngi ni Axelle. Kakarating lamang nila sa tapat ng condo niya. "Kahit halik ba sa pisngi hindi parin pwede?" May iritasyon sa tono ng boses nito "Umuwi kana." Pinahalata rin niya kay Axelle na naiinis parin siya sa ginawa nito kanina sa babae habang naroon sila sa restaurant. Hindi niya nagustuhan ang pagsampal nito sa babaeng iyon kaya hangang pag-uwi nila ay hindi siya kumikibo Lalabas na sana siya sa kotse nito ng hawakan nito ng mahigpit ang braso niya "May problema ba babe? Iniisip mo parin ba yung babae kanina? Nabigla lang naman ako sa pagsampal sa babaeng yun dahil siya ang naunang manampal sakin--" "Kahit na. Hindi ka dapat nananakit ng babae kahit ano pang ginawa sayo. Ka-lalake mong tao nananakit ka ng babae. Ma