Chapter 51 JOHAN POV "Lolo pinatawag niyo raw po ako---C-Cristof!" Nawala ang ngiti ni Johan nang pumasok siya sa pribadong silid ng kanyang lolo. Natigalgal siya ng makita niyang bugbog sarado ang kanyang asawa habang nakatali ito sa isang bangko. Napasigaw siya ng makita niya ang nakaka-awang itsura ng kanyang asawa May dugo pa ang gilid ng labi nito at para bang nanghihina. Pinaliligiran ito ng mga tauhan ng kanyang lolo habang nakaupo naman sa wheelchair nito ang lolo niya at seryosong nakatingin sakanya "Johan? Love! Ikaw ba iyan?!" Natatakot na tanong ni Cristof sakanya kaya lalong nabiyak ang kanyang puso "Love!" Akmang tatakbo siya palapit sa kanyang asawa ng bigla siyang pigilan ng mga tauhan ng kanyang lolo Nagpumiglas siya upang bitiwan siya ng mga ito. "Bitiwan niyo a