Chapter 50 RIVA POV Hindi siya mapalagay dahil buong araw hindi nagtext o tumawag man lang sa kanya si Clyde simula ng hilahin nito palabas ng dress shop si Kyla. Buong gabi siyang nag-mukmok sa kanyang kwarto at halos basagin na niya ang lahat ng kanyang makitang mga gamit doon Napakagulo tuloy ng kwarto niya ngunit hindi niya iyon alintana. Pakiramdam niya kasi ay mabibisto na siya ni Clyde. Pakiramdam niya hindi na ito babalik pang muli sakanya Balak na sana niyang utusan ang kanyang mga tauhan na patayin ang mga ito. Si Clyde at ang babaeng mahal nito. Kung hindi rin lang ito mapapasakanya ay mas gugustuhin na niyang mabura ito sa mundo Ngunit napanganga nalang siya nang makita niya itong nakatayo sa harap ng kaniyang pintuan. "C-Clyde?" Hindi siya makapaniwala ng makita niya