Chapter 49 Walang umiimik sakanilang dalawa ni Clyde hangang sa ihinto nito ang sasakyan sa isang gilid. Sa palagay niya ay napalayo na sila ng husto mula sa dress shop botique na kanilang pinangalingan. Tumingin si Kyla sa kanyang paligid. Isang lumang building ang kanyang nakikita. Mataas iyon at maraming palapag ngunit halatang abandonado na ang gusaling iyon sa matagal na panahon Nakakunot parin ang nuo ni Clyde nang bumaba ito. "Get out" Utos nito sakanya pagkabukas nito sa pintuan ng kotse nito sa side niya Nagdadalawang isip siyang bumaba dahil pakiramdam niya ay ghost town itong pinagdalhan sakanya ni Clyde Napakatahimik ng paligid at ni wala yatang mga taong nagagawi roon "A-Anong gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong niya habang inaalalayan siya ni Clyde sa pagbaba ng ko