Chapter 48 "Tulaley ka nanaman diyan purkit nadiligan ka kahapon" Panunukso sakanya ni Johan nang hindi niya namamalayan na natutulala nanaman siya. Lumilipad nanaman pala ang isip niya. Naroon pa naman sila ni Johan sa botique shop kung saan sinusukatan siya ng wedding gown at wedding tuxedo naman ang para sa bruhang kaibigan niya Biniro pa nga siya nito na magpalit daw sila ng isusuot sa araw ng kasal nila dahil mas bet daw nito ang mga wedding gowns na sinusukat niya kaysa sa mga tuxedo na sinusukat nito "M-May naisip lang ako" Tipid niyang sagot sa kanyang kaibigan. Mabuti nalang at sila lamang dalawa ang tao roon sa dressing room ng botique shop. Family friend daw ng pamilya nila Johan ang may-ari ng dressing shop na iyon. Pawang mayayaman lamang ang nakaka-afford ng mga pasadya