"Papa, why did you stopped me?" tanong ni Khemkaeng nang nasa biyahe na sila pauwi. "Ah, Baby...young master, sino ang kasama mong nagtungo sa KOTN?" balik-tanong niya rito. "I hide myself at the back of Lolo Greg's car. Ayaw po niya akong isama kaya po ako nagtago sa likuran ng car niya. Mag-sorry na lamang po ako sa kaniya, Papa," tugon nito. "Yes, anak. Kailangan mong gawin iyan dahil sigurado akong hinahanap ka na nila. Huwag mo ng gawin iyon ha? Kung talagang gusto mong sasama ay sabihin mo ng maayos." Nakatutok man ang paningin niya sa daan ay nagawa pa rin niyang kausapin ng maayos ang anak. "Opo, Papa. Ah, Papa, gusto ko pong sasama sa iyo sa school. Gusto ko pong kasama ka araw-araw. Dahil gusto ko po na maging katulad mo," muli ay wika ng bata. "Sure of course, anak. You can

