"Oh, Master, napasugod ka? May problema ba?" salubong na tanong ng isa sa Thai coaches ng KOTN. "Wala naman, Coach Aaroon. Pero maari ko ba kayong makausap---" ngunit hindi na natapos ni JD ang pananalita. Ang mahigit limang taong gulang niyang anak! "Bakit hindi ka lumalaban, Kuya?" tanong ni Khemkaeng. "Ah, Baby---" "No, I'm not a baby anymore, Kuya. I'm your Master James son. Ibig sabihin ay ako ang young master ninyo rito sa KOTN," aniya habang patuloy sa pagsugod sa isang estudyante. "Tama ka, young master. Kaya nga hindi kita puweding labanan dahil bukod sa paslit ka pa ay anak ka ng master namin dito," sagot ng estudyante habang panay ang iwas sa kaniya. "Wrong choice of answer, Kuya. Well, ako ang young master ninyo pero hindi puweding spare ninyo ang kakayahan kong lumaban

