"Sa wakas ay natiyempuhan din kitang nag-iisa. Akalain mo ba iyon, ikaw mismo ang lumakad mag-isa. Well, well, mas maganda na rin iyon upang hindi na ako mahirapan pang isagawa ang plano ko sa inyong mag-ina." Napalingon siya dahil sa tinig. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya dahil ito ang lalaking tinanggap ng KOTN bilang isa sa mga senior students nila. "How dare you to be disrespectful to me! Go away and know your place!" sigaw niya kaso mas nainis siya dahil pinagtawanan lamang siya nito. "Kung iniisip mong magpasaklulo sa mga kapwa mo Thai ay nagsasayang ka lamang ng oras. Alam mo kung bakit? Sigurado akong nasa kabilang bahagi sila ng kaharian kuno ng asawa mo. Kaya't huwag kang mag-alala dahil tayo lamang ang nandito. Sisiguraduhin kong masisiyahan ka sa gagawin natin

