"M-mommy? Kailan po kayo dumating? Bakit n'yo po iniwan si Kuya Elijah?" nautal na tanong ni JD nang narinig ang boses ng kaniyang ina. "Foolish young man. Nakaratay ka na nga sa hospital bed na iyan ay ang Kuya mo pa ang iniisip mo. Maari bang isipin mo rin ang sarili mo." Napailing tuloy ang Ginoo dahil sa tinuran ng anak. Ganoon pa man ay lumapit sila ng maayos. "Mano po, Daddy, Mommy." Sumalubong naman at nagbigay-galang si Fier Yan sa mga biyanan. Ang mga biyanan niyang halatang wala pang pahinga. Marahil ay dumirets sila sa kinaroroonan nila nang nakarating sila sa kanilang tahanan. "Kaawaan ka ng Diyos, anak. Pakarga naman sa apo ko," tugon ng Ginang saka binalingan ang apong tulog na tulog. Samantalang ang esposo ay lumapit sa anak at naupo sa tabi nito. Halatang wala itong mak

