"Tsk! Tsk! Kita n'yo na ang nangyari kay June? Buhay na buhay pa sana sila kung hindi nagpadalus-dalos. Sinabi ko namang hindi pa ito ang tamang pagkakataon eh." Nakaismid na pumasok si Rudy sa hideout nila. Nandoon na ang mga kasamahan nila. Hinihintay siya upang muling magpulong hinggil sa sinapit ng dati nilang kasamahan. "Wala na tayong magagawa sa bagay na iyan, Brod. Sabi mo nga ay nagpadalus-dalos siya. Ang ilang dekadang gymnasium pa ang pinuntirya," wika ni Armand. "Iyon na nga, Brod. Ngayon sigurado akong mas maghihigpit na sila roon. Aba'y panira naman kasi ang h*y*p ng plano eh!" Ngitngit pa ng isa. Kaya naman ay muling nagsalita si Rudy. Walang Boss o lider sa kanila. Lahat sila ay malayang makapagsalita ay ipahayag ang nasa isipan. Grupo sila ng malayang magpahayag ng sal

