Few days later... "Anong sabi ng anak natin, asawa ko?" salubong na tanong ni Lorie sa asawa nang naibaba nito ang hawak na telepono. "Pinapadala nila ang travel documents nilang mag-asawa at ni Elijah. Hindi raw pumayag ang apo natin na hindi sasama sa Spain upang doon magpagamot. Ang tanong ay kung sino sa atin ang magdadala sa Baguio. Naaawa na ako sa mag-asawang JD at Fier Yan. Halos hindi na yata nila maharap ang sariling buhay dahil sa dalawang gymnasium na iniikutan." Nagpakawala ng malalalim na pahinga ang Ginoo. "Iyon na nga asawa ko. Lalo itong si Fier Yan. Kung hindi ako nagkakamali ay kabuwanan na yata niya. Kahapon noong nasa harapan kami ng grotto ay parang napansin kong namamanas na ang katawan niya. Isa iyon sa simbolo ng malapit na manganak," wika ng matandang babae. S

