"Paano mo naisip ang bagay na iyon, Armand? Wow! Tama nga nagkagulo-gulo na sila samantalang wala pa tayong ginagawa." Hindi makapaniwalang lumapit si Rudy sa kapwa hater ng pamilya Arellano. "Alam mo, Pare, sa labanan ay hindi lang nakukuha sa dami ng bilang ng mga warriors. Kumbaga sa mga Arellano, sila-sila lamang ang namumuno sa pinakamalaking gymnasium sa buong North Luzon. Ah, ang MGJG ang pinakamalaking gymnasium sa North Luzon ngunit ang KOTN ang nangunguna sa buong bansa. Ngunit dahil sa utak mayroon sila ay nanatili silang secured. At iyan ang advantage natin. Hindi nila naisip na maaaring may kaaway sila," pahayag ni Armand. "Iyon na nga eh, kailanman ay hindi ko naisip na matagal mo na pala itong plano. Kung noon mo pa sana sinabi sa amin ay matagal nang tumaob ang pamilyang

