Six years later... Matuling lumipas ang anim na taon sa kanilang buhay. Sa katunayan ay teenager na ang batang may kakayahang utusan ang mga rosas. He is sweet seventeen already and his graduation celebration in secondary school. "Congratulations, anak. You made us proud again. Saan mo gustong magbakasyon ngayon?" masayang tanong ni JD sa anak. "Wala po, Papa. Dito na lang po ako. Sa gymnasium lang po ako," tugon nito. "Young master, binatilyo ka na. Kailangan mo na ang exposure. Simula pagkabata mo ay tanging competition lamang kung umaalis ka rito. Wala pa bang chika babes?" panunukso tuloy ng may edad na ring abuela. Kaso ika nga nila late bloomer. Nagmana sa tiyuhin na pinsan ng ama. Sa edad nitong seventeen ay wala pa silang nabalitaang nililigawan o kahit flings man lang sana. S

