"Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob, Hon?" tanong ni Fier Yan sa asawa. Akala nga niya ay natulog na ito dahil siya ang nagpatulog sa prinsesa nila kaya late siyang pumasok sa silid nilang mag-asawa. Kaso pagpasok niya ay wala ito sa higaan nila iyon pala ay nasa balkon ng kuwarto nila. "Hindi ako dalawin ng antok, Hon. Simula pa kaninang hapon noong nabanggit ni Daddy ang tungkol sa mga taglay ng mga bata. Para bang may takot na lumukob sa akin dahil doon. Ilang taon na rin ang nakalipas at sa awa ng Diyos ay napagtagumpayan nilang nailihim. Hindi rin nila nagamit o ginamit," pahayag ni James. "Honey, ikaw na rin ang nagsabing ilang taon ang nakalipas na hindi nalaman ng mga tao ang tungkol diyan. Kaya ka siguro kinakabahan dahil ngayon lang ulit nadawit sa usapan. God forbids but if

