Dahil wala rin namang maituro ang mga police na ibang patunay na ang magkakapatid ang may kagagawan sa sunog ay naibasura rin ang kaso. Kung may nakakaalam man sa pangyayaring iyon ay walang iba kundi ang pamilya Arellano. Ngunit dahil alam nila kung ano ang dahilan ay pinanatili nilang lihim. Kahit ang lihim sa pagkatao nina Khim at Khemkaeng ay sila lamang din ang nakakaalam. Dahil sa paglipas ng panahon, dulot na rin ng katandaan ay unti-unti na ring nagsiuwi ang mga Thai coaches. Ang dahilan nila ay nais din nilang makapiling ang mga mahal nila sa buhay kahit sa huling sandali ng buhay nila. Kung may naiwan man sa bansa ay ang mga Kuya-kuyahan ni Fier Yan. Dahil sa bansa na rin sila nagsipag-asawa. Pinanindigan nga lamang nila na sa THE COUNTRY RESTAURANT nagtrabaho. Hindi iniwan ang

