"Amazing player, Young Master. You did it very well. Come here to Grandpa Garrette." Masayang iminuwestra ni Garrette ang mga braso. Buong-puso namang pinaunlakan ito ni Khem. Lumapit siya sa abuelo ng mga pinsan niya. Kung hindi niya ito nakita sa linya ng mga hurados sa naging laban niya ay hindi rin niya nalamang isa ito sa mga taga hatol. "Wala akong ibang masabi, Young Master, kundi ang proud na proud ako sa iyo. I'm sure na naghihintay na rin ang mga taga Bontoc." Niyakap din ni Janina Khate ang pamangkin ng asawa. "Thank you po, Grandpa and Mama Nina," tugon nito. "Ah, Iho, would you mind if I'll ask you to go and stay first with your cousin's in their room? May sasabihin lang ako sa Papa mo na para sa mga adults like us. They will love too if you stay with them for a while." Hi

