"Huwag n'yo po akong tingnan ng ganyan. Wala po akong ginawa kundi ang sumunod at tulungan si Lolo Darwin." Kumbaga guilty in crime, nakangiwing lumapit si Janina sa mga in-laws niya. Lalong-lalo na ang asawa niyang matiim na nakatitig sa kaniya. "Don't think that we are angry, anak. Dahil para rin naman sa pamilya natin but it's dangerous. What if may masamang nangyari? What if kayo ang..." Kaso ang hindi matapos-tapos ni Magdalene at maraming what if ay dinugtungan ng isa pang guilty in crime. Si Patricia Faye Dela Rosa. "Sorry po, Mama at sa inyong lahat. Pero kung may kasalanan po kami ng babaeng iyan ay ang naglihim po kami. Dahil kung mauulit man po ang ganitong pagkakataon ay uulit ko pa rin ng walang labis at walang kulang. Para po sa pamilya natin, sa bayan ay katahimikan ng ati

