CHAPTER 4

830 Words
Pagdating namin sa bahay - este mansyon nila ay nagpa-assist agad ako sa kusina sa isang maid na sumalubong sa gate pagdating namin. "Hello, matagal ka na ba dito?" nakangiting tanong ko dun sa maid na nag-assist sa akin ni papuntang kusina. I think mas bata pa siya kesa sakin dahil halata sa mukha niya. Si Jarvis naman ay umakyat na duon sa grand staircase, hindi ko alam kung saan iyon pupunta. "Opo ma'am. 2 years na po," naiilang na sagot nito sa akin. Ngumiti naman ako at kumapit sa braso niya, tila nagulat naman siya sa ginawa ko pero nag-peace sign lang ako sa kaniya. Makapal nga kasi ang mukha ko, hihi. "Don't call me Ma'am, hindi ako ang nagpapa-suweldo sayo hehe. Teka, ano nga pala ang name mo?" tanong ko. "Freya po, M-ma'am," nauutal na sabi nito sa akin. "Sabi ko 'wag mo na ako tawaging Ma'am, naiilang ako hihi. Ako naman si Eleanor, pagpasensyahan mo na yung pagiging makapal ng mukha ko. Inborn na eh, hehe. Teka, nagugutom na kami ni baby ang layo naman ng kusina," sabi ko. Kanina pa kasi kami naglalakad, tapos nasa mahabang hallway pa rin kami. Grabe 'tong mansyon na 'to! Nagugutom na kami ni baby, hindi pa ako kumakain ng almusal. "Buntis ka Ma'am?!" Gulat na tanong sa akin ni Freya. Naka-ngiti akong tumango sa kaniya, tumili naman siya at hinimas ang tiyan ko. "My god! Akala ko forever single na si Sir Jarvis eh! 'Yun pala magkaka-asawa na at anak," nakangiting sabi niya. Anak lang, Freya. Walang asawa kasi hindi ako 'yon. Hmp, hindi naman ako papakasalan ng amo mo e. "Dito na tayo, Ma'am. Siguro gutom na kayo ni baby," naka-ngiting sabi nito at pinag-ayos pa ako ng upuan. "Oo, kanina pa ako gutom. Hindi pa ako kumakain ng breakfast," naka-ngusong sabi ko at hinimas ang tiyan ko. Nagulat naman ito at dali-daling hinablot sa akin ang bibimbap. Pinag-handaan niya ako sa lamesa. It's weird, ako lang naman mag-isa kakain pero sa dining pa ako kakain. Nahiya naman ako sa haba ng dining nila! Puro kulay gold pa ang mga utensils, nakakahiya hawakan! Inilagay na ni Freya ang bibimpab na nakalagay na sa mangkok. Ipinwesto niya ito sa harapan ko kasama na ang chop stick. Kinuha ko ang chop stick at sinimulan ng kumain. Hindi pa rin ako tumigil sa pagkain kahit narinig ko na ang boses ni Jarvis. Gutom na gutom na ako, hindi ko muna sila iintindihin. My tummy matters. "Freya, can you leave us for a while?" ani Jarvis. Napansin kong wala ng maingay at tanging tunog lang ng pagkain ko ang aking naririg kaya tinigil ko muna ang aking pagkain at tumingin kay Jarvis. Nasa gilid ko siya at naka-halukipkip habang matiim na naka-tingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya bago pinagpatuloy ang pagkain ko. "Teka, paano mo nga pala nalaman ang bahay ko? Stalker ka no?" Taas-kilay na tanong ko kay Jarvis. "Dream on, stupid girl. You left this," aniya at binato sa akin ang papel na kulay white na may kulay green. Binuklat ko iyon at nanlaki ang mata ko ng makita kong birth certificate ko iyon. Ito ba yung nahulog na hindi ko pinansin dahil nagmamadali ako? Ito nga, jusko! Buti hindi nawala! "Okay? By the way, thank you," napapahiya na anas ko. Tanga tanga, feeling ko talaga. Nakakahiya! Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko para hindi niya makita ang namumula kong pisngi. Ngunit naudlot iyon nang mag-salita siya na ikinatigil ko. "You're going to meet my parents tommorow. Don't worry at your clothes. You have 2 personal assistant. They are going to make you pretty," 'yun lang at umalis na siya. Nanatili akong nakatulala sa kawalan at naka-nganga. Kinakabahan ako! Sht! "Ma'am, baka mapasukan ng bangaw yang bunganga niyo." Hindi ko man lang namalayan na bumalik na si Freya at sinara ang bibig ko, my God!Kinakabahan ako! "Sino yung dalawang personal assistant na simasabi ni Jarvis?" Tanong ko kay Freya. Ngumiti siya sa akin, "Ako po tsaka si Daniella," sabi niya. Tumango-tango lang ako at napalunok. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko at tinapos na iyon. "Saan nga pala ang kwarto ko? Matutulog na ako, inaantok na ako eh hehe," sabi ko at tumayo na. Sa totoo lang hindi pa ako matutulog. Kailangan kong mag-isip dahil kinakabahan ako! Kainis naman kasi yung Jarvis na 'yun! Pwede namang after one week na lang diba? Iginiya na ako pataas ni Freya, umakyat kami sa grand staircase. Huminto kami sa kulay cream na pinto, binuksan niya iyon kaya pumasok ako. "Itong nasa right side na pinto ang kuwarto ni Sir Jarvis, Ma'am. 'Pag may kailangan kayo puntahan niyo lang siya hehe," 'yon lang at umalis na siya. Pumasok na ako sa kuwarto at binagsak ang katawan sa malambot na kama at pumikit. Sa hindi inaasahan, sabi ko mag-iisip ako pero nakatulog ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD