CHAPTER 5

1660 Words
"HAHAHA teka nga! HAHAHAHA! Na- HAHAHAH- kikiliti ako!" "Eh Ma'am, huwag ka malikot! Hindi tayo matatapos dito eh!" Nakangusong sabi sa akin ni Daniella. Siya 'yung isa ko raw na P.A. Naandito kasi kami sa isang room sa bahay ni Jarvis. May mga dress dito, tee-shirt, heels, jewelries, sandals, make-ups, SPA, salon, bath tub and etc. Ang yaman diba! Parang nasa mall na rin ako. Kasalukuyan kasing hinihilot ni Daniella ang paa ko, eh malakas ang kiliti ko sa paa eh. Kainis naman kasi, sabing huwag na hilutin pero sabi niya mawawalan daw siya ng trabaho kapag hindi niya ginawa 'yun, 'yan tuloy naawa ako kaya nagpa-hilot na ako. "Sabi ko naman kasi sa'yong malakas ang kiliti ko d'yan," naka-ngusong sabi ko. Inirapan lang niya ako kaya napahahikgik ako, ang taray niya ah! Ni-hug ko na lang yung throw pillow na nasa lap ko at doon tumawa. Baka 'pag na-badtrip sa akin si Daniella eh hambalusin niya ako nung pang-brush na kinukuskos niya sa paa ko. Pagkatapos niya ako patayin sa kiliti-- este i-SPA ang paa ko ay nilinisan niya na yung kuko ko, pinili ko yung kulay pink na cutics kasi ang kyut hihi. Si Freya naman sa kamay ko, syempre kulay pink din ang kulay ng cutics. Ang pangit naman siguro kung pink sa paa tapos green sa kamay diba? Hehe. Bumukas ang pinto ng mala-mall na kuwarto kaya napatingin ako roon. Iniluwa noon si Jarvis na naka-boxer short lang at walang pang-itaas na damit. Oh la la la! Nasaan ang kape? May 8 na pandesal na dito hihi. Natauhan ako ng bulungan ako ni Freya at sinundot ang tagilirian ko. "Baka malusaw si Sir niyan, ano? Inlove ka na?" aniya. Ngumuso lang ako at tumingin uli kay Jarvis na nakatingin sa akin. Ngumiti ako at kinawayan siya pero nanatiling poker face ang mukha niya. Nag-pangalumbaba na lang ako at tinignan ang ginagawa nila Freya at Daniella sa kuko ko. "Wear a decent dress," maikling sabi nito at lumabas na. Napanguso na lang ako at tumingin uli sa ginagawa nila Daniella. Pagkatapos nilang linisan ang kuko ko ay pinagbabad nila ako sa bath tub na amoy lavander with matching rose petals pa. Kukuskusan pa sana nila ako ng awatin ko sila, nahihiya ako! "Hoy teka lang! Ako na! Nakakahiya, makikita niyo ano ko eh," nakangusong sabi ko. Nginisian lang nila ako at talagang kinuskus ang katawan ko, nahihiya nga ako kasi nakita nila katawan ko pero sabi nila huwag daw ako mahiya dahil babae din naman sila, batukan ko kaya sila! Psh! Pagkatapos nila akong pagbabadin at kuskusan ay pina-upo nila ako sa upuan saka ako pinilian ng damit. Pinili nila yung off shoulder dress na kulay pink at doll shoes din na pink. Bongga! Puro pink lahat hihi. Hinila nila uli ako at pina-upo sa upuan na may salamin sa harap. Ni-make-up-an nila ako ng light lang at inahitan pa talaga ang kilay ko, pina-bango-han at sinuotan ng kwintas na may pendant na heart. Pinaharap nila ako sa kanila at talagang tuwang-tuwa sila, kulang ng lang magtatalon sila at magti-tili. "Ayan! Mukha ka ng tao, Ma'am," nakangising sabi ni Daniella. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan bago humarap sa salamin. Sinipat ko ang kabuoan ko at talaga namang kakaibang transformation ang naganap. Masakit man na aminin ang katotohan, tama ang sinabi ni Daniella. Nag-mukha na akong tao. Inabot nila sa akin ang sling bag na may laman na powder, lipstick at cellphone. Teka! Cellphone? "Teka! Kaninong cellphone 'to?" takang tanong ko. "Sa'yo, Ma'am. Pinalagay 'yan ni Sir Jarvis diyan. Ang galing nga eh, tignan mo yung likod may tatak na hello kitty," ngingiting-ngiti na sabi ni Daniella. Kinuha ko ang cellphone at tinignan ang case ng likod, hello kitty nga! Ang kyut hihi! Sinilid ko na ang cellphone at inaya na sila palabas. "Tara na," aya ko. Pinagbuksan nila ako ng pinto kaya lumabas na ako. Iginiya nila ako papunta sa sala at pinaupo sa couch habang hinihintay si Jarvis. Inilabas ko muna sa sling bag ko ang iPhone na cellphone at tinignan kung may apps. May mga social media na apps pero walang games! Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko kaya napa-tingin ako doon. It's Jarvis, wearing only a gray t-shirt and a simple pants. Ang hot niya kahit ganun lang ang suot niya, nahiya naman ako ng kailangan pang mag-ayos para mag-mukhang tao. Eh siya? Kahit siguro mag-suot siya ng punit punit na damit ang pogi pa rin niya hehe. Napa-lunok ako at sumunod sa kaniya papunta sa labas ng bahay. Naka-handa na dun ang limousine, as usual pinag-buksan uli ako ng pinto kaya pumasok na ako. Pumasok na rin si Jarvis at napako ang tingin ko sa baba niya, 'yung stubbles niya! Gusto kong hawakan huhu. Kinalabit ko siya kaya napatingin siya sa akin, naka-kunot ang noo, nagtataka. "Can I touch your stubbles?" sabi ko at nag-beautiful eyes pa. Kinunotan niya lalo ako ng noo at inirapan lang. Ngumuso ako at hinimas ang tiyan ko. Bigla na lang kasing may gumalaw na parang ano sa tiyan ko, siguro nagtampo ang baby namin dahil ayaw niya ipahawak yung stubbles niya, hmp! Maghahanap na lang ako ng may stubbles na lalaki, kainis! Buong biyahe akong tahimik, syempre!Matinding pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi mag-salita. Tumigil ang limousine sa isang napakalaking gate, automatic na bumukas ang gate kaya namangha na naman ako. Syempre, ignorante ako! Tumigil uli ang limousine at pinagbuksan na ako ng pintuan ng men-in-black na kasama namin at talagang inalalayan pa ang kamay ko. Gentleman, hehe! May mga body guards at maid na naka-hilera papasok sa double door na pintuan ng mansyon, sa tantiya ko mas malaki parin ang bahay ni Jarvis, milyon siguro ang ginastos niya d'on. Dalawang body guard ang nag-bukas ng double door. May sumalubong sa aming isang matandang babae na maganda ang pagkakangiti. "Ay jusko ang Jarvis na ito! Napaka-poging bata!" anya nito. Hinapit ako sa bewang ni Jarvis kaya napatingin ako sa kaniya. "When my parents ask if we have a relationship tell them nothing. You'll tell them the truth, okay?" anito at binalingan yung matandang babae na sumalubong sa amin. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi niya. I shouldn't feel this way, right? "Hi Manang, long time no see," malamig pa rin na sabi ni Jarvis. Napa-iling na lang ako at napa-ngiwi. Grabe, hindi ba pwede kahit isang beses lang eh ngumiti siya hehe. "Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago. Aba'y sige na, kanina pa kayo hinihintay ng magulang mo," ani Manang at ngumiti sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kaniya. Pumunta kami sa dining table, nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang dalawang hintuturo ko. Kinakabahan ako, at the same time, nahihiya. Feeling ko kasi napaka-liit ko. Kainis! Ngayon lang ako nagka-ganito, samantalang noon ang kapal ng mukha ko hehehe. Nang mag-angat ako ng tingin ay nanlaki ang mata ko ng nakasalubong ko ang mata ng isang sopistikadang babae at higit sa lahat, parang mataray siya huhu. Lalo tuloy akong kinabahn sa klase ng pagtingin niya. "Sit down," malamig na sabi ni Mrs. Sopistikada, malay ko ba kung anong pangalan niya huhu. Inalalayan akong umupo ni Jarvis kaya umupo na ako, nanatili akong nakatungo at pinagsusundot-sundot ang hintuturo ko, baka sakaling mabawasan ang kaba ko. "So, what now?" rinig kong sabi ng isang boses lalaki, "What's your name, hija?" pagpapatuloy pa nito. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumingin kay Mr. na hindi ko alam ang pangalan hehe. "E-eleanor Gonzaga po," mahina kong sabi at tumungo uli. Nakaka-pressure huhu. "What's your relationship with my son?" rinig kong tanong ni Mrs. Sopistikada. Nag-angat ako ng paningin at napa-lunok ako ng makita kong naka-taas ang kilay nitong nakatingin sa akin. "W-wala po, nabuntis niya lang po ako," kagat labing sabi ko. Tumungo uli ako, feeling ko dudugo ang labi ko dahil sa kakakagat ko dito. Kinakabahan ako eh, huhu. Please, somebody help me! "Chin up, hija. You are beautiful. You should be proud of it," rinig kong sabi ng Tatay ni Jarvis. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko silang naka-tingin sa akin. "I'm Travis and this is Felicity, my wife. We are the parents of Jarvis," pormal na sabi nito. Ngumiti lang ako saka tumitig sa plato na nasa harap ko. Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin ngunit nabasag iyon ng sumigaw si Ma'am Felicity. "Ayoko na, Honey! Suko na 'ko hindi ako makatagal um-acting! Waaah, Eleanor, dear!" gulat akong napatingin kay Jarvis na iiling-iling. Niyakap ako ni Ma'am Felicity kaya nahihiya na gumanti ako ng yakap. Umupo naman siya sa katabi kong upuan at matamis ang ngiting hinimas ang tiyan kong medyo may umbok na. "Mygad! I'm so proud of my son. Akala ko tatanda siyang binata at hindi na kami mabibigyan ng apo eh, but look! We're having an apo now!" tuwang-tuwa na sabi nito. "I'm sorry a while ago, you know, nagpustahan kasi kami ng asawa ko na makakatagal ako sa pag-arte pero hindi ko talaga kaya. Maingay ang bunganga ko hihi," humahagikgik na sabi nito. Nanatili kaming nagku-kuwentuhan habang kumakain, syempre nakikisali din si Tito Travis. Sir at Ma'am nga ang tinawag ko sa kanila pero sabi nila Mommy at Daddy na lang daw, pero makulit ako kaya Tito at Tita na lang. Nang uuwi na kami ay ayaw pa kaming pauwiin ni Tita pero hindi niya kami mapigilan kasi may gagawin pa daw na trabaho si Jarvis. Gusto ko pa nga makipag-kwentuhan kay Tita at Tito eh. Pero may next time pa naman! Kaya pagdating sa bahay ay umakyat na agad kami sa taas. Papasok pa lang sana ako sa kwarto nang hilahin ni Jarvis ang kamay ko at halikan ako sa noo bago lumuhod at aking tiyan naman ang hinalikan. "Goodnight," 'yun lang at pumasok na siya sa kuwarto niya. Ilang minuto pa akong nakanganga sa labas at ina-absorb ang nangyari. Nang maabsorb ko na ay pumasok ako sa kuwarto at nagtitili bago nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD