Hindi ako mapakali habang nasa sasakyan, iyak ako nang iyak at panay naman ang pag-alo sa akin ni Flor at Nene. Bakit naman mababaril si Jarvis? Wala naman siyang kaaway o naging ex. Mabait si Jarvis! "Ma'am andito na po tayo," sabi ng driver. Agad agad akong bumaba at dumiretso sa loob ng hospital. "Nasaan si Jarvis ko?" Sambit ko habang umiiyak. Bumuntong hininga ang police bago ako sinagot, "Nasa emergency room pa po, Ma'am," sagot nito. Lumunok ako at napaupo sa upuan, "B-bakit? Sinong bumaril sa kaniya? Anong nangyari?" Humikbi ako. Naupo ang police sa aking tabi, may inilabas siyang clear na plastic at may laman na bala 'yon. "Ito ang bala na pinangbaril kay Mr. Foster, Ma'am. May marka ito at hinahanap pa namin kung sino ang nagmamay-ari nito. Na-check na din po namin ang c