Tinatapik tapik ko ang hita ni Gideon habang nakatitig kay Jarvis na inis na inis at nagpapalatak pa. "f**k, kung ganon lang pala ang mangyayari edi sana hindi ako pumirma. f**k," narinig kong sinabi niya. May problema sa kompanya, pumirma siya sa kontrata ng isang kumpanya at ang nangyari ay nagnakaw ang kumpanya na iyon kay Jarvis. Napapailing na lang ako. "Sana kasi inalam mo muna ang background ng company nila. Ang tagal mo ng CEO ah, bakit nagka-ganiyan?" pinagtaasan ko siya ng kilay. Suminghap siya at napakamot sa kilay, "Damn, baby. I did a background check, pero wala naman akong nakitang masama. Plus, their offer is quite good," aniya. "Ayan, ayan. Ayusin mo iyan, baka mamaya mawala lahat ng pera mo. Aba, lagot ka sa tatay mo," tumawa ako. Ayos lang naman sa akin kung maghira