[Renzo’s POV] “Bakit mo alam ‘yong initials? Nakita mo ‘yong love note? Kilala mo ba siya?” ‘Bakit ko nga ba alam na may JM initials iyon? Ang tanga-tanga mo Renzo! May pa secret lover pa akong galawan na nalalaman. I have no plans to stop the daily flower delivery maging ang love notes at lahat ng games sa Charlie’s Cafe ay sasalihan ko mapansin lang ako ni Charlie bilang si James. Bakit hindi niya pa rin mahulaan na ang initials na JM ay James Madrigal? It’s been a month. Ako lang naman ang maglalaglag sa sarili ko. I-dedeny ko ba o aamin na ako? ‘Ang daldal mo rin kasi Lorenzo James Madrigal. Mahuhuli ka sa sarili mong bitag.’ Ang hirap masangkot sa ganitong gusot. Patong-patong na kasinungalingan. Nag-uumapaw sa baluktot na katotohanan. Hindi ko alam kung paano ko pa ito ba lulus