[Renzo’s POV] ‘Gusto kita. Gustong-gusto matagal na. Hindi lang kita mahal. Mahal na mahal. Kung hindi ka nga lang katorse anyos noon. Siguro matagal na naging tayo. I waited, Charlie. I patiently waited.’ Kung puwede ko lang sabihin ito kay Charlie ngunit hindi pa ngayon. Hindi man sapat ang sinabi kong gusto ko siya at mahal ko na. Alam ko na mas maigi ng alam ni Charlie ang nararamdaman ko. Mas pipiliin kong may katiting na katotohanan kahit ito’y pagpapanggap na relasyon lamang. We might have a fake marriage contract at isa lang akong bayarang asawa. Subalit ang pagmamahal at pag-aaruga na pinapakita at ipaparamdam ko sa kaniya ay kailanman hindi huwad. I intend to make Charlie fall deeply in love with me. Iyong kahit magkabukohan man ay wala na siyang kawala. She will end up bein