[Renzo] Kahinaan kong makita ang mga luha ni Charlie. Parang punyal na tinarak sa aking puso ang mga katagang kaniyang binatawan. 'Katapusan na ba agad ng aming masaya sanang pekeng pag-sasama bilang mag-asawa?' "Get out Renzo! You said you love me pero niloko mo lang ako." "Hindi kita niloloko, misis. Ano bang nagawa ko bakit ka galit na galit sa akin?" "Kuya, lumabas ka na muna," pakiusap ni Julio sa akin." Pero—" "Kuya, please. Labas ka na muna. I'll see you in a bit. Aalamin ko kung ano'ng nangyari. Baka sakaling magkuwento sa akin si Ate Charlie." "Paano ako aalis, Julio? Ganyan ang lagay niya?" "Mr. Rosales. Please, get out. You are agitating my patient, and it's not helping us," said Dr. Navarro."We'll call you in once the patient is stable." "Umuwi ka na muna kaya sa bahay