[Uno] Hindi ko alam kong bakit walang kaalam-alam si James sa kaugnayan ni Julio sa amin ni Charlie. Alam kong matagal ng nagtatatrabaho ang pinsan ko sa mga Madrigal. Si James ang tumulong dito matapos ang trahedya sa kaniyang pamilya. Inalok naman siya ng aking ama na saamin pumisan pero dahil may utang na loob raw siya kay James kaya ito'y kaniyang pagsisilbihan. Kunot ang noo ng kaibigan ko. Ramdam ko ang namumuong galit sa kaniyang kalooban. Kahit ako naman siguro ganoon rin ang mararamdaman. "No, Phoenix is only Charlie's cousin. First cousin. Si Tita Bel at ang mommy ni Charlie ay magkapatid. Ang lolo naman ni Julio at ang tatay namin ay second cousins." “So, you mean. . .Julio is your cousin from Tito?” “Yes. Pinsan namin siya sa ama.” “Mauna na ako sa’yo, James.” “Ilang ul