[Renzo] Nanigas ang buong katawan ko para akong nilubog sa isang drum na puno ng yelo. Nanginig ang kalamnan ko ng makita ko sa aking harapan si Lolo Leon. Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko sa gulat. Tiningnan ako nito ng matalim na tila ba sinasabi nitong ‘umamin ka na ba?’ “Margoeux,” bati nito. “Kumusta ka apo?” ‘Apo?’ Did he lie to me? All this time ang alam ko ayaw niya sa babaeng nais ko. Sa mga panahong nakatira ako sa kaniya inakala kong matapobre ang lolo. Is it a change of heart o baka hindi ko pa lubos na kilala kung sino talaga si Engineer Leonard Madrigal? “Maayos na po ako, Lolo Leo. Pa-paano n’yo po nalaman?” “Ah, tinawagan ako ng Papa mo.” “Alam ni Dada nasa ospital ako, July?” “Er. . . Uhm. . . sorry, Ate Charlie.” “July naman. Pagaalalahin mo si Dada. May