[Charlie] Nakaramdam ako ng kalungkutan ng magising akong wala na sa tabi ko si Renzo. Kahit pinagtabuyan ko siya ramdam kung ayaw ako nitong iwanan. “Hinahanap mo ba si Kuya Renzo, Ate?” Tanong ni Julio sa akin. Nahihiya akong tumango kay July. I must admit. I acted so childish. ”Nasa labas ba siya? Papasukin mo na,” utos ko rito. “Wala na si Kuya Renzo, Ate Charlie,” sagot nito sa akin,”umalis na.” May kung ano’ng hapdi akong naramdaman sa aking dibdib. Para iyong mga karayom na unti-unting tinusok ang puso ko. I felt the throbbing ache inside me. “Umalis na? Iniwan ako?” Parang akong tangang pasimpling pinunasan ang luha sa aking mga mata. “Ano’ng gusto mong gawin noong tao. Magpakamartyr sa kaartehan mo?” “Hindi ako umaa