[Charlie’s POV] Nakatulog ako ng mahimbing habang yakap-yakap ni Renzo. Pakiramdam ko iyong mga bisig niya ay minsan nang ikinulong ang katawan ko sa ma-init niyang yapos. Amoy na amoy ko ang mint scent ng kaniyang hininga. Alam ko na lango ito sa alak ito pero bakit ang bango-bango niya? He smells like? Kapareho ng amoy sa lalaking nakasiping ko sa Buntod. Bakit ba naaalala ko ang amoy ngunit hindi ang mukha nito? Kinabukasan pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Pasado alas siete na ng umaga ng bumangon ako sa higaan. Ang amoy ng roasted garlic ay umaabot hanggang sa aking kuwarto. It made me starve even more. Bakit ba pabago-bago ang gusto ng mga buntis? I was not too fond of garlic at first pero ngayon naman para akong addicted sa garlic kahit amoy lang nito ay ginugutom na ako