KABANATA 82.

2013 Words

NANG GABING IYON nagtambay si Blue sa sala habang nagpapaantok. Mag a alas nuwebe na no'n at natitiyak niyang tulog na si Carey. May pagkabanas talaga siyang nararamdaman para sa dating nobya dahil sa ginawa nito. "Blue..." dinig niyang tawag nito sa kaniyang likuran na agad naman niyang nilingon. "Puwede ka ba'ng makausap kahit sandali?" Pinaramdam niya ang pagkainis sa dating nobya nang irapan niya ito ng alisin niya ang paningin rito. Mabigat na inabot niya ang remote ng telebisyon at saka pinatay iyon. "Yes, why?" malamig na sagot niya. Narinig niyang humakbang ito palapit sa kaniya. Nag diretsyo ito sa kabilang sopa at naupo. Tumingin ito sa kaniya pagkatapos ay nagsalita. "Gusto ko sanang humingi sa'yo ng paumanhin. Sa mga nagawa ko maging sa naging pabigat ako sa'yo. Salanat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD