IMPIT NA HUMAGULGOL SI Alexa, at hindi na rin niya natiis. Mabilis na tumalikod siya saka nanakbong palabas ng bahay ni Blue. "Kaya hindi ka nakapunta sa bahay namin kase may sorpresa ka pala! Na magsasama na pala kayo ni Carey! Pinapunta ninyo 'ko dito para ipakita ito! Mga walanghiya kayo!" usal niyang lumuluha. Napahinto siya sa pagtakbo pero sandali lang at nagpatuloy ulit siya. "Manloloko kayo! Manloloko ka Blue! Ang bababoy n'yo!" umiiyak niyang sambit pa, "Mga manloloko kayo!" nanakip dibdib niyang usal hanggang sa narating niya ang gate. Napahinto siya saka napahawak doon. Pakiramdam niya para siyang nalulusaw na kandila. Hinang-hina siya sa natuklasan. Gusto niyang humiyaw at sa ganoon maibsan ng kaunti ang sakit na nasa puso niya. Hanggang sa napaupo siyang nakakapit sa bakal

