IMPIT NA HUMAGULGOL si Alexa sa kaniyang una ng makapasok siya s aloob ng kaniyang kuwarto. Ayaw niyang marinig ng nasa labas na umiiyak siya. Sapat na ang pag luha niya kanina at nakita iyon ni Blue. Ipit na iyak ang ginawa niya dahil alam niyang hindi pa umaalis ang binata at tiyak niyang kausap pa ito ng kaniyang mga magulang. Umupo si Blue sa upuan salo ang mukha ng dalawang kamay. Mabigat na mabigat ang katawan niya. Hindi siya makapaniwala na ganito ang aabutan niya. Mag aaway sila at hindi siya pakikinggan ni Alexa. At ang pinaka masakit sa kaniya nagpasya ito agad-agad na walang kasal ma magaganap. Hindi rin nagtagal tumayo si Blue at lumapit sa magulang ni Alexa'ng tahimik na nakatayo sa may gilid ng pintuan. Mamaya't nakita din niyang sumulpot si Bunsoy habang kinukuskos ang mga

